Wednesday, September 14, 2011

Listahan ng mga Uri ng Estudyane

Aking Listahan ng mga Uri ng mga Dakilang Estudyante sa ating maliit ng Silid-Aralan



 1. The Epalers- Sila yung tipong gustong gusto mo nang hagisan ng bote ng softdrinks. Sila yung tipong kahit pagsabihan mo na ay uulit pa din kasi naniniwala sila sa kasabihang " try and try until you die ! "
Sila yung mga taong nagdadala ng napakalakas na hangin kahit alam mo namang walang electric fan ang classroom nyo. Dumating lang e bigla na lang naging maingay. 

2. the Geeks- Sila yung alam mo na,,, Pero sobrang talino nila akala mo lang ganun ang itsura nila pero hayup pala ang utak!

3. The Younghusbands - Sila yung mga athletes na nagiging sikat. Laging isinisigaw ang kanilang pangalan. Kahit di marunong sa klase ok lang basta manalo sa bawat laro.

4. the Silencers- Sila yung mga tipo ng mga taong di mo alam kung may masamang balak sayo dahil tititigan ka lang nila tapos sabay bubulong sa katabi. Sila yung mga laging nasasabihan ng teacher ng " Please naman, pakilakasan ang boses, ikaw lang ata ang nakakarinig,,," tapos sabay tatanungin ang buong klase ng, " narinig nyo ba siya class?" ,, di ba? Pero wag ka, kasi oras na makalabas na yan ng campus, doon yan buburatrat ng mga tsismis nya. hahahahaha!!!!!!

5. the PB Girls- sila yung mga suki ng mga bahay-bahay na nagpaparenta ng pocketbook,, tapos akalain mo ba namang kahit nasa may tabi na nya yung teacher ay nakakapagbasa pa din? Satig na bata,, mahusay magtago.


6.  The Nerds- Ewan ko, pero minsan di ko ron sila maintindihan, pero matatalino at mababait din sila,, at konting patak na lang ng San Miguel Beer ay tutungo na rin sa pagiging Geeks.

7. the Culto Insulto - Sila yung pinakaaayawan ko sa lahat. Sila kasi yung kahit di mo anong gawin mo ay paulit-ulit kang iinsultuhin. sila yung mga walang magawa sa buhay. Ang pagiging isang Culto Insulto ay isang stepping rock sa pagiging Comedian.

8. the Comedians- a, sila lang naman yung mga pinakamaingay sa klase dahil sa mga bungisngis nila. Di mo rin alam kung saan galing ang lakas-trip nila. Laging may baong jokes sa bag,, oo talagang sa bag. Magdadala yan ng mga Pinoy Jokes tapos bigla na lang tatawa. hahahahaha!!!!!!! Sila din yung mga nagcocomfort sa mga kaklase nila sa pamamagitan ng pagpapatawa. pero minsan waley din ang jokes nila. Ang isa kong napatunayan sa kanila ay kahit na ganon sila kasaya sa classroom, hindi mo maitatanggi na napakalaki pala ng mga problema nila. Hay naku.\


9. The Effots- the modern F4. Sila yung grupong kinabibilangan ng apat (4) na kalalakihan. Di mo rin daw kasi masisi kasi ipinanganak sila na gwapo. Pero minsan nakakaasiwa na kasi yung iba feeling lang F4 ang dating, di naman talaga.

10. the Pussycat Dolls- syempre di rin sila pahuhuli sa mga Effots.Sila yung mga laging may bitbit na salamin, pulbo, lib shiner, eye liner at iba iba pang pampaganda.

11. Now here comes The Coppycat - at sila naman yung walang araw na hindi sayo nanggaya ng sagot sa quiz, sa assignments at sa recitation. Nakakainis na rin minsan pero dahil fwends mo sila ay hinahayaan mo na lang.

12. The SSG ( Sipsip Sa Guro)- hay naku, naiinis din ako sa kanila,, kita mo nalang katabi na naman yung teacher tapos kahit ano ginagawa, nagpapautos bumili ng meryenda sa kantin, gusto laging siya ang maging assistant. Laging bitbit ang gamit ni ma'am. Naku.

13. The Secretary- Sila lang naman yung mga kinabibilangan ng ilang Epalers na laging gustong siya ang magsulat sa blackboard  ng napakahaba-habang MAIKLING KWENTO sa Filipino. 

14. the Office of the Prefect and Discipline Resident- Sila lang naman po yung mga laging pinapawalis ng opisina ng office ng Prefect and Discipline dahil sa laging may minor violations sa school rules and regulation. Kaawa-awa kasi pinapalampaso pa sila, tapos di na sila nakakapasok pa sa klase nila, so cutting class na lang.

15. The Suspendeders- hahaha,, sila lang naman yung mga may major at minor violations sa school na ginawa ng paulit-ulit kaya ayun, nasuspend sa klase. Kinabibilangan din sila ng mga Blacklisters.

At syempre, hindi dapat magpahuli ang 

16. Nice Guy High- alam nyo na yan. Ako Yan. Ako Y^an Sabi e! hahahaha



Thanks for viewing!